Willie

Willie, may kayabangan — Cristy Fermin

February 7, 2023 Vinia Vivar 658 views

Bilang nanay-nanayan ni Willie Revillame, ikinalulungkot din ng entertainment writer/TV and radio host na si Cristy Fermin ang nangyayari ngayon sa AllTV kung saan ay ipinapakansela na ang mga show kabilang na ang Wowowin.

“Walang matutuwa sa anumang pagsasarado, sa anumang pagtatapos, walang matutuwa. Eh, hindi ba ang tawag ng mga manghuhula diyan, death sign? ‘Yang pagtatapos, ‘di ba?” pahayag ni ‘Nay Cristy sa programa niyang Cristy Fer Minute.

Damang-dama rin niya ang mga naging pahayag ni Willie last Saturday sa show kung saan ay naglabas ang TV host ng kanyang sama ng loob sa mga netizen na natutuwang magsasara na ang AllTV.

Pero at the same time, inamin din naman niyang may yabang ang kanyang anak-anakan.

“Alam n’yo po, magiging sinungaling po ako kung sasabihin ko sa inyo na walang yabang si Willie Revillame,” saad ni ‘Nay Cristy.

“Real talk po tayo, magpakatotoo po tayo. Ako mismo, nanay-nanayan niya, alam ko. Mayabang si Willie Revillame, may yabang. Nu’ng ipanganak siya, kakambal ng kanyang inunan ang kayabangan.

“Siguro po, wala na kayong masasabi, inamin ko na po,” patuloy niya.

Pero ipinaliwanag din niya na ang kayabangan ni Willie ay “in a good way,” kumbaga.

“Pero ang pagyayabang ni Willie Revillame, ‘yung ‘pag may nagsisimula siyang proyekto, ‘yung tiwala sa sarili, alam mo ‘yun? Excited siya. Wala pong magsisimula ng anumang paghamon na nalulungkot.

“Alangan naman sabihin niya, ‘Magsisimula na po ang AMBS-2. Ang lulungkot po naming lahat kasi malaking paghamon po ito. Sana marausan po namin at magtagumpay.’ Wala pong ganu’n,” sey ni ‘Nay Cristy.

The way Willie speaks kapag excited, akala raw ng iba ay pagyayabang na ngayon ay siyang ibina-bash sa kanya.

Bagama’t marami ang nayayabangan kay Willie, ayon kay ‘Nay Cristy, napakahalaga raw sa TV host ang pagtanaw ng utang na loob at paglingon sa mga taong nakatulong sa kanya noong struggling days niya.

At isa na nga sa mga nagbigay ng tiwala sa kanya noong panahong walang-wala siya ay ang pamilya Villar na siyang may-ari ng AMBS-2.

TUMITINDING GIYERA

Pagkatapos maghatid ng nagliliyab na mga eksena gabi-gabi simula Agosto 2022, magaganap na ang super finale ng Mars Ravelo’s Darna sa Pebrero 10.

Patuloy si Darna (Jane de Leon) sa pagharap sa patindi rin ng patinding giyera na hatid ni Heneral Borgo (Richard Quan) sa Nueva Esperanza na pinalala pa ng makamandag na pagbabalik ni Valentina (Janella Salvador) na agad pinatay ang kakampi ni Darna na si Brian Robles (Joshua Garcia).

“Marami kayong aabangan, mga Kapamilya. Maraming pasabog! Hindi ko alam kung matutuwa kayo o malulungkot. Basta abangan n’yo,” paghikayat ni Jane.

Samantala, libu-libong fans muli ang nakisaya sa cast ng Darna para sa pinakahuling leg ng #DarnaCaravan na ginanap sa KCC Mall Gensan sa General Santos City noong Biyernes (Peb. 3) at Ayala Malls Trinoma noong Linggo (Peb. 5).

Pinasalamatan ng cast, sa pangunguna ni Jane ang fans, sa kanilang patuloy na suporta sa programa na naging phenomenon sa TikTok at nanganak ng iba’t ibang Darna-related content dito gamit ang #Darna na meron na ngayong 2.4 billion combined views.

Umani rin ng mahigit 400 million combined YouTube views ang Darna videos ng ABS-CBN base sa data hanggang Enero 20.

Nanatili rin itong top-rating series as telebisyon, kabilang sa Top 10 shows sa iWantTFC at most searched primetime Philippine TV show sa Google.

AUTHOR PROFILE