img

Angel at Neil kasal na sa wakas

August 8, 2021 Aster Amoyo 535 views

OFFICIAL nang mag-asawa sina Angel Locsin at Neil Arce matapos ikasal ang dalawa sa isang civil wedding rites. Angel posted this on her social media account last Saturday, August 7. It which was held in Taguig City Hall officiated by Mayor Lino Cayetano.

Tulad ng kanilang engagement nung June 2019, sinorpresa rin nina Mr. & Mrs. Neil Arce ang lahat nang bigla silabg magpakasal. Their church wedding was originally planned nung isang taon pero dahil sa pandemic ay hindi ito natuloy and decided to move it this year. Pero dahil nasa gitna pa rin ang lahat sa pandemic, nagdesisyon ang couple na magpakasal na muna sila sa pamamagitan ng civil wedding before the third lockdown,

Sa recent joint vlog nina Angel at Neil, ang The Angel and Neil Channel on YouTube, ibinahagi ng dalawa ang kanilang magkahiwalay na pag-i-empake ng kanilang mga gamit sa kanilang magkahiwalay na condo units dahil lilipat na sila sa bago nilang tahanan bilang mag-asawa.

Ang isa ngayon sa priority ng newlywed couple ay magkaroon ng anak and they will be happy to be blessed with one child although pangarap ni Angel na magkaanak ng kambal.

Bago naging magkasintahan sina Angel at Neil ay nanggaling ang dalawa sa ibang relasyon. Si Angel ay nahiwalay sa kanyang ex-boyfriend, ang TV host-actor and entrepreneur na si Luis Manzano na mister na ngayon ng actress na si Jessy Mendiola habang si Neil ay galing sa isang four-year relationship with singer-actress and writer-director na si Bela Padilla na nasa Switzerland ngayon with her Swiss-Italian boyfriend na si Norman Ben Bay.

Kilala ang actress na si Angel (36) sa kanyang philanthropic works habang si Neil (38) ay isang successful businessman, movie producer at TV director.

Donny at Belle laling umiinit

img1WALANG alinlangan na ang bagong tambalan nina Donny Pangilinan (23) at Bella Mariano (19) na mas kilala sa kanilang fans as DonBelle ay isa sa pinakabagong hot loveteam na nabuo ng ABS-CBN in the tradition of KathNiel ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel

Padilla, LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil, KimXi nina Kim Chiu at Xian Lim at marami pang iba.

Naging mainit ang pagtanggap ng mga fans sa bagong tambalan nina Donny at Belle sa hit mini-TV series na “He’s Into Her” na sinundan ng kanilang matagumpay na virtual thanksgiving concert na pinamagatang “The Benison Ball” last Friday, August 6.

Dahil sa hit tandem nina Donny at Belle sa “He’s Into Her,” ipinahayag ng Chief Operating Officer (COO) for Broadcast ng ABS-CBN na si Cory Vidanes na magkakaroon ito ng second season na pamamahalaan pa rin ng kanyang anak na si Chad Vidanes bilang director.

At dahil sa malaking tagumpay ng “He’s Into Her” TV series, hinahanapan na rin ng proyekto ang dalawa for a full-length TV series at pelikula.

Si Donny ay nasa pangangalaga ngayon ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Si Belle ay nagsimula sa showbiz when she was nine years old nang siya’y maging bahagi sa now-defunct kiddie show, ang “Goin’ Bulilit” from 2012 to 2015.

Biyaya tuluy-tuloy kay Hidilyn at iba pang Pinoy athletes

hidilynPaalamSA kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng pagsali ng Pilipinas sa iba’t ibang summer Olympics na ginaganap sa iba’t ibang bansa, nakapag-uwi ang Pilipinas ng kanyang kauna-unahang gold medal (in 97 years), dalawang back-to-back silver medals at isang bronze medal sa ongoing 2020 Summer Olympics in Tokyo, Japan.

Si Hidilyn Diaz ang kauna-unahang Filipino athlete na nakasungkit at nakapagdala ng gold medal mula sa Summer Olymics sa Pilipinas na sinundan ng back-to-back silver medals mula kina Nesthy Petecio (Women’s Featherweight Boxing) at si Carlo Paalam (Men’s Flyweight Boxing) at isang Bronze Medal for Eumir Marcial para naman sa Men’s Middleweight Boxing. Dalawang female and dalawang male Filipino athletes ang nakapag-uwi ng mga bagong karangalan sa Pilipinas.

Hindi man nakapag-uwi ng medalya ang ibang Filipino athletes ay naipakita naman nila ang kanilang husay sa kanilang sinalihang koponan.

Samantala, tuluy-tuloy ang dating ng biyaya sa sa Olympics gold medalist na si Hidilyn Diaz dahil bukod sa kanyang almost P60-M cash prizes, house and lot, condo unit, unlimited flights sa dalawang local air lines, food cart packages at iba pang incentives, ang weightlifter champion ay tumanggap din ng isang brand new golden color car mula sa Ayala Foundation, AC Motors and Kia Motors Philippines.

Ngayong isa nang multi-millionaire si Hilidyn, kailangan siguro niya ng tulong ng isang financial adviser para ma-invest niya ang kanyang pera sa tamang paaran at hindi mapunta saw ala.

Ngayong nakabalik na sa bansa at sa kanyang pamilya si Hidilyn, ito’y simula na ng mga pagbabago sa kanyang buhay at ng kanyang pamilya na matagal ding dumanas sa hirap. Ang kahirapan ng kanilang pamilya ang nagsilbing inspirasyon ni Hidilyn sa pagsumikapan niya ang kanyang pagiging atleta.

Bukod kay Hidilyn, may naghihintay ring cash and other incentives kina Nesthy, Eumir at Carlo mula sa pamahalaan at sa mga pribadong sector.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTALKwithASterAmoyo on my YouTube Channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter and TikTok@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE