Kris & Willie

Willie sa ‘pag-aalaga’ ni Kris: ’Di kami AlDub

August 9, 2021 Vinia Vivar 383 views

AldubFinally, after five years ay nakabalik si Kris Aquino sa telebisyon. This time ay sa GMA-7 naman siya napanood.

Siya ang guest co-host ni Willie Revillame last Sunday sa Shopee 8.8 na talagang trinabaho nang matagal ng TV host para matuloy.

In fairness, Kris is still the same when it comes to hosting.

Hindi pa rin kumukupas ang galing niya at nandoon pa rin ang kataklesahan at pagiging funny niya at the same time.

‘Yung tipong maloloka ka pa rin at matatawa sa kanyang pinagsasasabi’t pinaggagagawa.

Heto na nga’t umiral ang pagkaluka-luka ni Kris at halatang naloka rin talaga si Willie sa ginawa ng kanyang co-host friend.

Habang nagsasalita si Kuya Wil ay biglang sinabi ni Kris na, “Wait lang, bakit walang nag-aalaga sa ‘yo? Pengeng Kleenex nga. Pawis na pawis na si Wil, hindi n’yo siya pinupunasan. Nababaliw ako sa inyo.”

Nang dumating ang tissue, si Kris pa mismo ang nagpunas ng pawis kay Willie kahit sinabi na ng TV host na siya na ang gagawa.

Habang pinupunasan ni Kris ang pawis sa mukha si Willie ay nagtutuksuhan naman ang iba pang mga co-host.

“Hindi ho kami AlDub, ha?” sabi ni Willie. “Lolo na ako. Magiging lola ka na rin.”

Sagot naman ni Kris, “Of course not, matagal pa ‘yun,” sabay-punas ulit ng pawis kay Willie.

Halatang naloka na ang TV host at pinagsabihan na si Kris.

“Mano nga Kris tumigil ka na, nakakahiya ang ginagawa mo!” paninita ni Willie.

Sagot naman ni Kris, “Pinupunasan ka lang, kaloka ka. ‘Wag mo lagyan ng meaning, ’no!”

Sey naman ni Willie, “ba’t kailangan mo ‘kong punasan?”

Sabi naman ni Kris, “Eh, at least, inaalagaan ka. Ayaw mo ba ‘yun?”

Sagot naman ni Wil, “Hindi ako sanay na inaalagaan ako, inaalagaan ko sarili ko.”

Hirit naman ni Kris, “Bahala ka, your loss.”

Sa kanyang Instagram post ay sinabi ni Kris na obvious naman daw na kinilig si Willie sa ginawa niya.

And again, nagpasalamat siya sa TV host sa lahat ng kabutihan sa kanilang mag-iina.

“Sorry, i’m just being naughty, sinabi ko naman kasing wag akong seryosohin — pero obvious naman na kinilig… but in all sincerity, straight from my heart THANK YOU Willie — for your generosity and for really taking care of me (rehearsals pa lang kagabi — ilaw, music, camera angles, audio, and pati graphics talagang tinutukan nya) — like i said you have my lifelong gratitude and support because when you didn’t have to, naging napakabuti mo sa ‘min nila kuya josh & bimb. For the 3 of us,” saad ni Kris.

AUTHOR PROFILE