
Marian at Maine, suportado si Kisses
NAMAMAYAGPAG si Kisses Delavin bilang kandidata sa Miss Universe PH.
Matapos manguna sa isang challenge ng pageant, heto at ang kanyang panlaban sa swimsuit competition ang ibinalandra niya sa kanyang latest post sa Instagram.
Eh, ang nakatutuwa sa swimsuit photos ni Kisses, isiningit niya ang old photo niya noong bata pa siya na naka-swimsuit din, huh!
Caption ni Kisses, “Hello Universe, here are my swimsuit photos for Miss Universe Philippines! Ay sandali, may nakasabay!”
Bilang under Triple A management ngayon si Kisses, suportado siya ng “kapatid” niya sa management na sina Marian Rivera at Maine Mendoza sa pagsabak niya sa Miss Universe PH 2021.
Pasok si Kisses sa Top 75 candidates sa Miss Universe PH.
BARO’T SAYA WEDDING
BARO’T SAYA ang suot ng dating child actor na si Makisig Morales at asawa niyang si Nicole nang ikasal sila sa Australia noong Linggo, August 8.
Lumabas ang wedding pictures nila sa Iolilo Metropolitan Times at ibinahagi rin nito ni Direk Arman Reyes sa kanyang Facebook account.
Pinost din ang kasal ng Barong at Bestida Australia account.
Lumabas noon si Makisig sa series na Super Inggo. Ni Jun Nardo