Amy Austria

AMY, NAGBALIK-TANAW SA PAGDODROGA

April 12, 2023 Vinia Vivar 442 views

Nagbalik-tanaw ang premyadong aktres na si Amy Austria sa madilim na parte ng kanyang buhay kung saan ay nalulong daw siya sa bisyo.

Taong 1986 daw nagsimula siyang magyosi at tumikim ng iba’t ibang klase ng droga.

“Its very deceiving, kasi akala mo nagagawa mong normal pa rin, nakakapagtrabaho ka pa rin pero hindi mo alam unti-unti kang lumulubog, unti-unti kang nawawala sa wisyo mo.

“Nadi-deceive ka na pati ‘yung paniniwala mo, naiiba na,” anang aktres.

Asked kung paano siya nakalabas, ani Amy, “Si Lord lang talaga,”

Six years din daw bago siya nakawala at nagdesisyon siyang sumailalim sa three-day retreat.

“Sabi ko kay Christopher de Leon gusto na ulit mag-retreat, three days ‘yung retreat, sabi ko lang sa kanya, ‘Lord, tanggalin mo ‘to hindi ko kaya, I admit hindi ko kaya.

“Alam mo ‘to na six years kong tina-try alisin pero hindi ko kaya ayoko na. I surrender, iyo na ‘to,” sey ni Amy.

At naramdaman daw talaga niya ang presence ng Panginoon.

“Pag-uwi ko ng bahay after that retreat, nawala na. ‘Yung six years na tina-try ko on my own sa sarili kong kakayahan, ginawa ni Lord in three days.

“Sabi ko, ‘Ayusin mo ang buhay ko, i-computerize mo, i-program mo. Ikaw na bahala kung saan ako papunta. I think that’s the first time na talagang I surrender my life to him,” pagbabahagi ni Amy.

“Since then umayos lahat, gumanda lahat, smooth lahat, nalagay sa tamang puwesto ang lahat. ‘Yung hindi ko akalain na mangyayari sa buhay ko, ni hindi ko pinapangarap, sobra pa sa naiisip ko, inaakala ko, inaasahan ko ang dumating,” aniya pa.

Kaya ang payo niya sa mga taong gusto natutukso ring tumikim ng droga, “‘Wag na, walang maidudulot na mabuti, walang magagawang maganda, ‘wag mo sayangin ‘yung buhay mo.

“Tulad ko noon, six years I tried to stop, ang tagal pero hindi ko talaga kaya. Ang daming nasayang, ang daming nasira,” sey ni Amy na kasalukuyang napapanood sa GMA-7 series na Hearts on Ice with Xian Lim and Ashley Ortega.

AUTHOR PROFILE