Coco Martin at Jaclyn Jose, RK Bagatsing

Coco, Jaclyn, RK, inisnab sa SMMFF Gabi ng Parangal

April 12, 2023 Ian F. Fariñas 360 views

KAGABI ginanap sa New Frontier Theater ang awards night ng 1st Summer Metro Manila Film Festival (SMMFF). Ang mga pinalad na manalo ay siguradong nanamnamin ang kanilang mga tropeo dahil jury panel head nito ang multi-awarded Pinay international actress na si Dolly de Leon.

As we all know, malaking karangalan ang ibinigay ni Dolly sa bansa bilang kauna-unahang Pinay actress na ma-nominate sa iba’t ibang prestigious award-giving bodies abroad para sa international movie niyang Triangle of Sadness.

Masasabing salang-sala ang listahan dahil pati sina Coco Martin at Jaclyn Jose (ng Apag), RK Bagatsing (ng Kahit Maputi na ang Buhok Ko), walang nominasyon.

As of presstime, nanguna ang riotous comedy na Here Comes the Groom sa rami ng acting nominations.

Kabilang dito ang best actor (Enchong Dee), best director (Chris Martinez), best supporting actor (Keempee de Leon, Nico Antonio at Xilhouette) at best supporting actress (Maris Racal at Kaladkaren).

Nakasalpukan ni Enchong sa laban for best actor sina Carlo Aquino (Love You Long Time), Elijan Canlas at Romnick Sarmenta (About Us But Not About Us), Korean actor na si Yoo Min Gon (Yung Libro sa Napanood Ko) at Gerald Anderson (Unravel).

Sa best actress category, tatlo lang ang naglaban — sina Bela Padilla (Yung Libro…), Gladys Reyes (Apag) at Kylie Padilla (Unravel).

Kabakbakan naman nina Kaladkaren at Maris sa best supporting actress si Ana Abad Santos (Love You Long Time) habang sina Keempee, Nico at Xilhouette ay nakatapat nina Aljur Abrenica (SingleBells) at Ariel Rivera (Kahit

Maputi na ang Buhok Ko) sa pagka-best supporting actor.

Dalawa ang co-nominees ni Direk Chris sa best director at ito’y sina Jun Lana (About Us…) at JP Habad (Love You…).

Sa mga nagwagi, congratulations!

Palabas pa ang SMMFF entries sa mga sinehan nationwide hanggang April 18.

AUTHOR PROFILE