KC Concepcion

Sharon, inip nang magkaapo kay KC

April 12, 2023 Vinia Vivar 327 views

Dahil 38 years old na nga si KC Concepcion, ang wish ng ina niyang si Sharon Cuneta ay matagpuan na nito ang lalaking magmamahal rito para magkaroon na siya ng apo.

Ito ang ibinahagi ni Ogie Diaz sa kanyang latest vlog dahil nakausap niya si Shawie kamakailan.

“Ang natandaan ko lang (na sabi ni Sharon), ‘sana, matagpuan ni KC ang lalaking totong magmamahal sa kanya, kung ‘yun man ‘yung boyfriend niya ngayon,” tsika ni Ogie.

Ang tinutukoy niyang guy ay ang rumored boyfriend ni KC na nangngalang Steve Michael Wüthrich, isang Filipino-Swiss businessman.

“Mabait naman daw ‘yung lalaki, sabi ni Sharon,” pagbabahagi pa ni Ogie.

“At siyempre, ‘yung hiling nga ni Sharon, since 38 na si KC, eh, sana nga raw, magkaapo na siya kay KC, magkaanak si KC,” dagdag niya.

Kapag nagkaanak na raw si KC ay saka pa lang nito mauunawaan ang damdamin ng isang ina tulad nga ng pagmamahal ni Sharon sa kanya.

Matatandaang last April 7 ay nagdiwang si KC ng kanyang ika-38th na kaarawan.

AUTHOR PROFILE