Default Thumbnail

Ama ginawang sex slave ang anak, inaresto ng MPD

December 3, 2021 Francis Naguit 239 views

DAHIL sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng korte, laglag sa mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang isang 44 anyos na ama ng tahanan, makaraang mabisto na may isang taon na umanong parausan ang kanyang 11 anyos na anak sa Sta. Ana, Maynila.

Dahil dito nahaharap sa kasong qualified rape under Article 266-A par 1 ng Revised Penal Code ng Republic Act (RA) 8353 at sexual assault na inamiyendahan sa Article 8353 in relation to Section 5 ng RA 7610 ang suspek na si Jefferson ng Pedro Gil St., Sta. Ana, Manila.

Base sa ulat ni P/ Lt. Col. Orlando Mirando Jr., station commander ng MPD-Station 6, bandang 11:30 ng gabi nitong Martes nang isilbi ang warrant of arrest sa suspek sa Pedro Gil St., Sta. Ana.

Sa ipinarating na report ni P/Major Ines, chief ng Public Relation Office ng MPD, pinangunahan ni P/Major Gueul Capuz ng Intelligence Section at ni P/ Lt. Renato Ramento ang pagaresto sa suspek, kasama ang ilan nitong tauhan. Bitbit ang arrest warrant na inisyu ni Roy Gironella, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 43 ng Manila.

Sa rekord ng pulisya, may isang taon na umanong parausan ng suspek ang anak na babae na pangalawa sa panganay.

Inamin nito ang ginawang kahayupan sa anak, makaraang hiwalayan siya ng kanyang asawa.

Inamin din nito na lulong ito sa shabu, pero hindi umano nito pinagbabantaan ang anak na lagi na lamang umano nitong sinasabi na huwag siyang isusumbong kahit kanino dahil ayaw nitong makulong.

Kahit na umano hiwalay sa asawa ang suspek, nang malaman ang ginagawa ng asawa sa sariling anak, dito na humingi ng tulong ang ginang sa tanggapan ni P/Lt. Col. Mirando na agad namang umaksiyon makaraang dumulog sa korte para magpalabas ng warrant of arrest.

Dahil dito, desidido ang ginang na makulong ang asawang adik.

Gayunman, maliban sa kasong panggagahasa na walang inilaang piyansa sa kasong Child Abuse Law ay may nakalaang P200,000 na piyansa. Francis Naguit & Jon-Jon Reyes

AUTHOR PROFILE