Aljur

Aljur sa lahat ng nadamay sa isyu ng hiwalayan: ’Di nila deserve ’yon

July 23, 2021 Vinia Vivar 490 views

Itinuturing ni Aljur Abrenica na most daring film niya ang Nerisa kung saan ay leading man siya ni Cindy Miranda.

“So far, ito na ‘yung pinaka-daring na nagawa ko, not because nagpakita kami ng skin sa mga love scene. Ito ‘yung pinaka-passionate when it comes to love, when it comes to character,” deskripsyon ni Aljur sa kanyang role nang makatsikahan ng press sa virtual mediacon kahapon.

First time niyang nakatrabaho si Cindy at marami silang matitinding love scenes sa movie.

Aminado naman si Aljur na nagkaroon ng kaunting inhibitions ang kapareha sa daring scenes at naiintindihan naman daw niya ito.

“Si Cindy, nagkaroon lang ng kaunting inhibitions sa mga daring scene kasi babae pa rin ‘yun pero bilang isang aktor, pinag-usapan namin kung hanggang saan, ganyan,” sey ni Aljur.

“Nakakatuwa po kasi, kapag may mga eksena, inaarte po nina Direk Law (Fajardo) saka nina Direk Carla ‘yung mga ibang eksena, pero pagdating sa love scenes, hinayaan nila kami,” sey ng aktor.

“She’s (Cindy) very professional at magaling na aktres po. At na-inspire ako sa kanya kasi mas na-inspire akong mag-stick sa character ko kasi she’s always in character,” papuri ni Aljur sa kanyang leading lady.

Aminado rin ang aktor na ikinalungkot niya ang pagkaka-link nila ni Cindy. As we all know, damay ang aktres sa issue ng hiwalayan nina Aljur at Kylie Padilla at naakusahan siyang third party though nilinaw na rin naman niya agad na hindi ito totoo.

“I felt sorry, gusto kong humingi ng pasensya sa lahat ng mga nadadamay. ‘Yun lang. Hindi nila deserve ‘yun. ‘Yun lang po,” sey ni Aljur.

Inamin din ng aktor na hindi pa siya ready na magsalita tungkol sa mga issue sa kanya at darating din daw ang time na sasagutin niya ang lahat ng ito.

“Alam kong marami kayong gustong itanong pero in time po, masasagot at alam kong concerned kayo sa akin. Pagdating ng panahon, maayos din po ‘to lahat,” pahayag ni Aljur.

Ang magagawa lang daw niya sa ngayon ay mag-focus muna sa trabaho and, of course, number one pa rin sa kanya ang pamilya.

Ipinagmalalaki niya ang Nerisa dahil pinaghirapan niya raw talaga ito kaya sana ay suportahan ng mga manonood.

Nerisa will be having its global premiere this July 30 on ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV and Vivamax.

NAIYAK SA SCRIPT

Hindi maiwasang maging emosyonal ni Nico Antonio nang mabasa ang script para sa fresh episode ng GMA weekly drama anthology na Magpakailanman.

Ito kasi ang unang pagkakataon na makikita siya sa screen mula simula hanggang wakas at siya talaga ang bida.

Kaya naman sa sobrang tuwa ay naluha raw siya talaga.

“First time ever na nangyari sa akin ‘yung ganito. Kaya I am very grateful sa GMA for this opportunity,” ani Nico.

May titulong From Russia With Love: The Eric Baylosis/Anna Rabtsun Baylosis Story, ang naturang episode ay tungkol sa kwento ng isang simpleng Pinoy na napaibig ang isang Russian model.

Aminado nga rin si Nico na talagang may pressure sa kanya na lalong galingan ang kanyang pag-arte.

“Mahirap pala. Not just physically but also mentally and psychologically. Matindi ang pressure and kailangan always on your toes. No room for mistakes.”

Mapapanood na ngayong Sabado, July 24, 8 p.m., ang From Russia With Love… Kasama ni Nico rito si Max Collins na gaganap na kanyang asawa habang si Don Michael Perez ang director ng episode.

Sa ngayon, nasa lock-in taping nang isang buwan si Nico para sa isang bagong series na hindi pa niya puwedeng sabihin ang title.

Freelance artist na si Nico sa ilalim ng management nina Becky at Katrina Aguila, pero labis ang kanyang pasasalamat sa Star Magic at ABS-CBN na naghinang sa kanyang talent bilang aktor.

AUTHOR PROFILE