Bong Revilla

‘Agimat ng Agila,’ maaksyon ang pagtatapos

July 22, 2021 People's Tonight 194 views

Ngayong Sabado (July 24) ay matutunghayan ang pinakahihintay na tunggalian sa pagitan ng mga tagapagmana ng kapangyarihan ng Agila at Bakunawa sa finale ng top-rating fantasy drama series na Agimat ng Agila.

Noong nakaraang linggo ay nakatanggap ng makamandag na halik si Gabriel (Ramon “Bong” Revilla, Jr.) mula kay Serpenta (Michelle Dee) matapos niyang makipaglaban kay Maya (Sanya Lopez) na bihag naman ng kapangyarihan ng bertud ng Bakunawa.

Sa pagtatapos ng serye ay susubukang iligtas ni Gabriel si Maya mula sa kaniyang ama na si Alejandro (Roi Vinzon) na siya na ngayong may hawak sa bertud ng Bakunawa at sa mga mapanira nitong plano.

Samantala, isa raw ang kanyang matitinding action scenes sa mga ipinagmamalaki ni Bong sa Agimat ng Agila, “Pinaka-proud ako sa action scenes dito na binusisi talaga at pinagpaguran. Wala akong double rito. Ako mismo ang nag-aral ng mga fight scene at gumawa ng mga galaw habang take. Dahil galing sa puso, mas bumagay ang mga action sequences sa ganda ng mga special effects at ng kwento.”

Huwag palagpasin ang action-packed finale ng Agimat ng Agila, bukas, 7:15 p.m., sa GMA-7.

Miss World Philippines 2021, iere sa GMA

Mapapanood ang grand coronation night ng prestihiyosong Miss World Philippines 2021 ngayong Linggo (July 25) sa GMA Network.

Tuluy na tuloy na ang pagbabalik ng nasabing patimpalak matapos ang pahinga noong nakaraang taon dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.

Bukod sa paglalabanang korona ng Miss World Philippines, mayroon pang pitong titulo na naghihintay para sa mga naggagandahang aspiring beauty queens: Miss Supranational Philippines, Miss Eco International Philippines, Reina Hispanoamericana Filipinas, Miss Tourism Philippines, Miss Environment International Philippines, Miss Eco Teen International Philippines, at Miss Multinational Philippines.

Hosts sina Xian Lim, RJ Ledesma, Winwyn Marquez, Alyssa Muhlach at Thia Thomalla. Guest performers naman sina Geneva Cruz at RJ Agustin.

Mapapanood ang telecast ng Miss World Philippines 2021 sa GMA Network ngayong Linggo, 10:30 p.m., pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

AUTHOR PROFILE