Glaiza

Glaiza, sasabak sa dalawang international movies

July 23, 2021 People's Tonight 197 views

DALAWANG international films ang nakatakdang gawin ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro.

Ito ay ang untitled movie na produced ng Canadian Film Society na ididirek ng isang Filipino-Canadian filmmaker.

’Yung isang pelikula ay gagawin naman ni Glaiza sa South Korea at isang Korean actor ang makakasama niya.

“Siyempre honored ako to represent ‘yung Philippines through movies, through films,” say ni Glaiza sa interview sa kanya ni Lhar Santiago sa 24 Oras.

Samantala, paiinitin ni Glaiza ang hapon simula sa August 2 dahil premiere telecast ng TV adaptation ng iconic Regal movie na Nagbabagang Luha kasama sina Rayver Cruz at baguhang si Claire Castro mula sa direksyon nina Ricky Davao at Philip Lazaro.

UMAATIKABONG BAKBAKAN

BAKBAKANG umaatikabo ang handog nina Bong Revilla Jr. at Roi Vinzon sa pagtatapos ngayong gabi ng Agmat ng Agila.

Si Bong ang bida rito at natutuwa siya sa natanggap na feedbacks sa muli niyang pagbabalik sa TV. Dagdag inspirasyon din sa kanya ang recent acquittal sa kasong isinampa laban sa kanya.

Abangers nga ang followers ngayon ni Bong kung may part 2 ang Agimat ng Agila na kapana-panabik bawat bagong episode, huh!

KATAWANG PANGROMANSA

MASISILAYANG muli ang katawang-pangromansa ni Aljur Abrenica sa latest movie niyang Nerisa ng Viva Films kung saan si Cindy Miranda ang kanyang leading lady.

Si Aljur ang naging tagapagligtas ni Cindy nang mapadpad sa isang isla at kalaunan ay naging asawa niya.

Naging instrumento ang magandang katawan ni Aljur upang mahirang na winner sa StarStruck. Kahit nag-mature na siya, eh, never siyang naging pabaya sa katawan.

Si Lawrence Fajardo ang director ng Nerisa na may global premiere sa July 30 sa ktx.ph, iWantTFC at TFC IPTV at sa Vivamax (vivamax.net). Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE