WHAT'S NEW

SEE ALL
Default Thumbnail

Aksidente naging instant ‘pig pantry’

May 5, 2021 Edd Reyes 463 views

NAGMISTULANG instant pig pantry ang isang kalsada sa Navotas matapos iuwi ng mga residente ang mahigit 40 baboy na namatay nang tumagilid ang trak na magdadala sana sa kanila sa matadero Miyerkules ng madaling araw sa Navotas City.

Nagawa namang mahuli ng mga pahinante at mga tumulong na mga residente ang may 160 buhay na baboy na nakawala matapos bumukas ang pintuan ng 18-wheeler truck na may plakang NDL-4003 makaraang tumagilid sa kanto ng C-3 Road at Road 10 sa Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) dakong alas-12:30 ng madaling araw.

Sa ulat ng Navotas Police Traffic Management Unit, tinatahak ng ten-wheeler truck ang kahabaan ng C-3 Road matapos sumailalim sa pagtitimbang nang unti-unting tumagilid nang lumiko na sa may Road 10 patungo ng Maynila.

Ligtas naman ang driver, dalawang pahinante at ang tumatayong ahente sa pagitan ng shipper at consignee na si Maricel San Agustin bagamaโ€™t umabot sa kabuuang 44 na baboy ang namatay nang maipit sa tumagilid na trak.

Ayon kay San Agustin, galing sa Gen. Santos City sa Mindanao ang mga baboy na nagkakahalaga ang bawaโ€™t isa ng tig-P25,000 at dadalhin sana sa katayan sa Cavite nang mangyari ang insidente.

Sinabi ni San Agustin na nalugi na sila ng P1.1 milyong piso dahil sa mga nangamatay na baboy habang nagkanya-kanya namang kuha ang ibang mga residente at maging ang mga construction workers na nagta-trabaho sa ginagawang gusali sa lugar.

Wala namang nadamay na ibang sasakyan sa nangyaring aksidente habang patuloy pang nagsasagawa ng pagsisiyasat ang mga traffic investigators.

AUTHOR PROFILE