Default Thumbnail

55 estudyante nakasinghot ng pesticide, naospital

May 11, 2023 People's Tonight 241 views

UMAABOT sa 55 estudiyante ang isinugod sa pagamutan matapos makalanghap ng pesticide na ini-spray sa isang taniman malapit sa kanilang eskwelahan sa Maguindanao del Norte.

Batay sa ulat ng Integrated Provincial Health Office, ang mga biktima ay pawang mga mag-aaral ng Mirab Elementary School na matatagpuan sa bayan ng Upi.

Nagsasagawa umano ng gardening activity ang mga estudiyante sa loob ng kanilang paaralan nang bigla na lamang silang makalanghap ng matapang na chemical na ini-spray sa kalapit na taniman.

Dahil sa tapang ng nalanghap na chemical, ilang estudiyante ang nahimatay o nawalan ng malay, nahilo at nagsuka.

Sa pinakahuling bilang, 23 sa mga estudiyante ang nai-confine sa pagamutan habang ang 32 iba pa ay under observation.

Sa kasalukuyan, ang mga estudiyante ay nasa maayos nang kalagayan at ang iba ay nakalabas na ng ospital.

Paalala naman ng local na pamahalaan sa mga may-ari ng taniman sa lugar na iwasan na muna ang pagi-spray ng mga pesticide sa oras na may klase ang mga bata.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.

AUTHOR PROFILE