Taniman

40 ektaryang taniman nasunog sa Basilan

April 19, 2024 Zaida I. Delos Reyes 35 views

Dahil sa matinding epekto ng El Nino

AABOT sa 40 ektaryang taniman ang tinupok ng wildfire nitong Huwebes sa Barangay Mariki, Isabela City Basilan.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection o BFP, kabilang sa mga nasunog na pananim ang mga puno ng niyog, rubber at mga saging sa naturang barangay.

Sa tala ng BFP- Basilan, ito ang ika–walong insidente ng wildfire sa iba’t ibang lugar sa Basilan nitong nakalipas na tatlong linggo.

Nakapagtala na rin kasi ng wild fire sa Lamitan City nitong nakaraang linggo.

Pinag-iingat naman ng mga awtoridad ang mga insidente sa posibleng pagtaas ng kaso ng sunog sa probinsya dahil na rin sa matinding epekto ng El Nino phenomenon at matinding init ng temperatura.