Default Thumbnail

4 drug suspek nasinghot sa buy bust

August 14, 2023 Bernard Galang 209 views

CAMP Olivas, City of San Fernando, Pampanga–Apat na umano’y tulak ng droga ang inaresto sa Tarlac at Angeles City noong Linggo, ayon kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr.

Ayon pa kay Hidalgo, kasama sa nasamsam sa apat ang droga na mahigit P828,000 halaga.

Ayon kay Lt. Col. Deonilo Maniago, Angeles City police chief, nahuli ng mga operatiba ng Angeles police sa buy-bust sa Friendship Highway sa Bgy. Cutcut, Angeles City ang suspect na si Ryan Pineda, ng Bgy. Pampang, Angeles City.

Nakuha sa kanya ang apat na plastic sachet na naglalaman ng shabu na may bigat na humigit-kumulang 60 gramo at nagkakahalaga ng P408,000, ang marked money at isang cellphone.

Sa Tarlac City, nagsagawa ng anti-illegal drug operation ang pulisya sa Bgy. San Juan Bautista, Tarlac City na naging dahilan ng pagkakaaresto kina Jay-AR Ibarra, Aries Bautista, at Jerome Jurado.

Nasamsam ng mga awtoridad ang apat na cellophane-sealed bricks at dalawang cellophane-sealed roll na naglalaman ng mga tuyong dahon ng marijuana na tinatayang nasa 3.5 kilos na may tinatayang halaga na P420,000, isang tricycle at tatlong cellphone.

AUTHOR PROFILE