Kulong

Triker bagsak parada sa selda dahil sa bala

August 14, 2023 Bernard Galang 234 views

ARESTADO ang isang trike driver noong Lunes matapos makuhanan ng mga baril at ilang bala sa kanyang bahay sa Nueva Ecija.

Kinilala ni PRO 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr. at Nueva Ecija police commander Lt. Col. Jay Dimaandal ang suspek na si Benjamin Parada Tomas, 63, ng Purok 4, Brgy. Sta Maria, Licab, Nueva Ecija.

Sinabi ni Dimaandal na ang magkasanib na elemento ng 303rd MC, RMFB3 kasama ang CIDG PFU-NE, RSOG3, PIT-NE, PIU NEPPO, 1st PMFC NEPPO, RIU3 at ang Licab police ang nagsilbi ng arrest warrant na inisyu ng RTC Branch 33 ng Guimba, Nueva Ecija kay Tomas dahil sa paglabag ng RA 10591.

Nakumpiska sa suspek ang isang 45 caliber pistol, isang magazine, isang .60 mm na bola, ilang mga cartridge at isang kahon ng mga bala para sa .9 mm na baril.

AUTHOR PROFILE