Default Thumbnail

3 timbog sa sugal, boga

March 12, 2024 Jonjon Reyes 99 views

TATLONG sugarol ang nahuli sa akto ng mga operatiba ng Manila Police District-Delpan Police Station 12 na nagka-cara y cruz sa Area C, Gate 54, Parola compound, Brgy. 275, Binondo, Maynila noong Lunes.

Isa sa tatlong nagsusugal ang nahulihan pa ng baril na may isang bala.

Bukod sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602, laban sa tatlong individual, nahaharap pa sa kasong paglabag sa Republic Act 9287 at RA 10591(Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang suspek na si alyas Ricky, 47.

AUTHOR PROFILE