dead

Senglot na rider tigok sa Skyway

March 12, 2024 Melnie Ragasa-limena 60 views

TIGOK ang motorcycle rider na lasing, walang helmet at walang lisensya matapos mag-counterflow sa Skyway Stage 3 at sumalpok sa kasalubong na sasakyan sa Balintawak, Quezon City noong Linggo.

Ayon sa Skyway Corp., northbound ang rider galing sa A. Bonifacio Avenue nang pumasok sa Skyway papuntang North Luzon Expressway (NLEx).

Tumalsik ang rider sa lakas ng pagkakabangga, ayon sa report. Makikita rin sa CCTV footage na sinubukan pang harangin ng bantay sa expressway ang rider pero hindi ito tumigil.

Lumabas sa imbestigasyon na lasing ang rider, walang lisensya at wala ring helmet. Nasa 80 kilometers per hour din ang takbo nito na lagpas sa 60 kilometer per hour speed limit, ayon sa Skyway Corp.

Gayunman, naghain umano ng affidavit of desistance sa piskalya ang kaanak ng nasawing rider.

Tanging 400cc lamang pataas ang mga motorsiklong pwede dumaan sa mga expressway.