Redrico Maranan

3 carnap syndicates nabuwag ng QCPD

March 18, 2024 Melnie Ragasa-limena 103 views

KUMBINSIDO ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) na nabuwang nila ang tatlong carnapping syndicate sa pagkaka-aresto sa siyam na mga miyembro at pagkaka-recover ng 19 na nakaw na sasakyan at motorsiklo sa anti-carnapping operations sa lungsod.

Ayon kay QCPD Director P/BGen. Redrico Maranan, siyam na karnaper (hindi pinangalanan) ang nadakip sa nalansag na carnapping syndicate na Casiano Group, Jasareno Group at Mamac Group at nabawi sa kanila ang kinarnap na limang sedan, anim na SUV, isang pick up at pitong motorsiklo.

Nagkasa ng anti-carnapping operations ang QCPD District Anti-Carnapping Unit sa pamumuno ni P/Maj. Hector Ortencio at nakasakote ang karamihan sa mga miyembro ng sindikato.

Paliwanag ni Maranan, nag-ugat ang operasyon sa umanoy magkakasunod na kaso ng mga rent-tangay modus sa Quezon City.

Modus ng mga suspek na magpapanggap na kostumer at magprisinta ng mga pekeng dokumento para rentahan ang sasakyan at kalaunan ay tatangayin na.

Nabatid na ilan sa mga narekober na sasakyan ang ‘tampered’ na at muntikan nang maibenta.