Timbog NATYEMPUHAN–Iprinisinta ni Police Capt.Rowel Robles ang natimbog na suspek na nakitaan ng sumpak sa Sta. Cruz, Maynila. Kuha ni Jon Jon Reyes

Lalaki na-swak sa selda sa sumpak

March 18, 2024 Jonjon Reyes 110 views

SWAK sa selda ang isang 27-anyos na lalaki dahil sa pagdadala ng sumpak sa corner ng C. M. Recto Avenue at Quezon Boulevard, Brgy. 308, Sta. Cruz, Manila noong Linggo.

Kinilala ng mga operatiba ng Manila Police District-Plaza Miranda Police Community Precinct 3 ang suspek na si alyas John Ver, binata, ng Sta. Cruz Manila.

Ayon kay Police Captain Rowel Robles, hepe ng Plaza Miranda PCP, bandang alas-2:25 ng madaling araw ng mamataan ang suspek nina Police Corporal Nazarene Dela Peña at Patrolman John Edward Imperio na kahina-hinala ang kilos.

Pagkatapos ng body frisk, nakitaan ng sumpak ang suspek na kargado ng bala ng kalibre 38.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 Comprehensive Laws on Firearms and Ammunition ang suspek.

AUTHOR PROFILE