Default Thumbnail

Ginang pisak sa truck

March 18, 2024 Edd Reyes 123 views

PISAK ang 54-anyos na ginang nang magulungan ng tanker-truck matapos mahulog sa sinasakyang motorsiklo noong Linggo sa Valenzuela City.

Todas agad si alyas Helen dahil sa grabeng pinsala sa katawan habang ligtas ang kanyang asawang si alyas George, 57, ng 937 DM Compound, Heroes Del 96, Caloocan City.

Sa ulat ni P/MSg Marvin Umayam kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., nag-overtake ang motor (554-NTB) ng dalawa sa Isuzu tank (RGK-989) na minamaneho ni Romel Nalangan, 26, dakong alas-6:19 ng gabi.

Hindi pa nakakalagpas ang motorsiklo nang mawalan ng kontrol sa manibela si alyas George kaya bumangga sila sa kaliwang bahagi ng tanker truck.

Dahil dito’y nahulog sa motorsiklo ang ginang at napailalim sa sasakyan na dahilan para siya magulungan na kaagad niyang ikinasawi.

Sumuko naman kay P/Cpl. Jayferson Luana ng Valenzuela Police Traffic Enforcement Unit si Nalangan na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

AUTHOR PROFILE