Default Thumbnail

2nd Rock ‘N’ Roll Running Series inilunsad muli sa Maynila

February 9, 2023 Edd Reyes 274 views

BUNGA ng tagumpay sa unang isinagawang ASIC’s Rock ‘N’ Roll Running Series sa Lungsod ng Maynila noong nakaraang taon, muling ipiprisinta ng AIA Vitality ang pagbabalik nito sa Nobyembre 26, 2023 sa Rizal Park.

Sa idinaos na media conference Miyerkules ng hapon sa makasaysayang Bulwagang Antonio Villegas sa loob ng Manila City Hall, malugod na tinanggap at pinasalamatan ni Mayor Honey Lacuna-Pangan ang lahat ng taong nasa likod ng pagbuho ng Rock ‘N’ Roll Running Series, ang pinakamalaking serye ng pagtakbo na idinaraos sa iba’t-ibang lugar sa buong mundo taon-taon.

“I’d like to take this opportunity, first and foremost, to thank all of the organizers of this Rock ‘N’ Roll Running Series, again you’re here for the second time around. Thank you very much for considering Manila as your venue for this very exciting event, come, November 26. This is not only an opportunity to promote physical and mental wellness but also to promote the different tourist destinations here in Manila,” pahayag ni Mayor Lacuna-Pangan.

“Like last June, nakita niyo po ulit yung magagandang destinations here, tourist areas here in Manila, Jones Bridge, National Museum, Arroceros, Intramuros, and I hope, this coming November, a lot of you will be joining again this running series to re-discover the beautiful sights here in the City of Manila,” dagdag pa ng alkalde.

Inaasahang magiging maingay at malakas ang pandaigdigang panoorin na kombinasyon ng pagtakbo at musika na inaasahang lalahukan ng napakaraming tao at organisasyon na tatakbo sa makasaysayang mga lugar sa Maynila, suot ang mga makulay na kasuotan na may kaakibat na masasayang musika.

Sisimulang ilunsad sa Pebrero 16 hanggang sa pagsisimula ng takbuhan sa Nobyembre, ang kaganapan na itinaguyod ng ASICS, AIA Vitality, City of Manila at ng Lightwater, ay katatampukan ng iba’t-ibang aktibidad para sa komunidad tulad ng pagsasanay na ituturo ng mga bihasa na sa marathon at tagasanay mula sa ASICS, pagtatampok sa mga medalya at daraanang ruta, pati na ang paglunsad ng paligsahan sa mga mahuhusay na Rock ‘N’ Roll entertainers.

Ang serye na pagtakbo ay sisimulan sa harap ng Rizal Park, daraan sa mga makasaysayang lugar sa Lungsod ng Maynila, kabilang ang National Museum, Manila City Hall, Kartilya ng Katipunan, patungo sa Intramuros hanggang sa finish line na sasabayan ng mga musikang pinalakas ng mga banda at disk jockeys.

“We are just as excited as the rest to host this Rock ‘n’ Roll Running Series for the second straight year. Manila has so much to offer, and the local government and the Manila Police District will closely coordinate with the organizers to guarantee safety for the runners and spectators alike,” sabi pa ni Mayor Honey.

“We are very happy to have the Asics Rock ‘n’ Roll Marathon series presented by AIA vitality back in Manila. We received very good feedback in 2022, and we look forward to making it bigger in 2023. Make this your year-ender run,” pahayag naman ni Ambassaodr Fred Uytengsu, ang may tagapagtatag ng Ironman Philippines.

Nagbigay inspirasyon kay Tim Murphy na itatag ang Rock ‘N’ Roll Running Series na magbibigay ng kasiyahan sa mga mananakbo sa pamamagitan ng masasayang musika na handog ng iba’t-ibang grupo ng mga banda matapos ang pagbubukas ng Rock ‘N’ Roll Hall of Fame noong taong 1990s.

AUTHOR PROFILE