BI Source: Bureau of Immigration

2 ‘turistang’ sex offenders naharang ng BI sa NAIA

April 11, 2024 Jun I. Legaspi 89 views

HINARANG at hindi pinapasok sa bansa ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlo pang foreign sex offenders makaraang ideklarang undesirable aliens.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang tatlo ay naharang sa NAIA terminal 1 nang tangkaing magpa-admit bilang mga turista.

Unang hinarang si Jeffrey William Jewitt, 42, makaraang dumating sa bansa lulan ng Korean Airlines flight mula sa Incheon, South Korea.

Si Jewitt, batay sa record ng BI’s border control and intelligence unit (BCIU), ay convicted sa mga sex offenses noong 2012 sa Illinois.

Pinatawan siya ng guilty verdict ng korte sa two counts of child abduction sa pang-aabuso sa 16-anyos na babae at isang kaso ng sexual exploitation sa 12-anyos na bata.

Sunod na naharang ang Amerikanong si Charles David James Weatherall, 32, na mula naman sa Air China flight galing Beijing.

Lumitaw sa record na si Weatherall ay convicted sa kasong child pornography dahil sa pagkakaroon ng indecent images ng mga bata sa United Kingdom.

Kasunod na naharang ang isa pang Amerikano na si Momodu Wurie Jalloh, 28, na galing Jeddah, Saudi Arabia lulan ng Saudia Airlines flight.

Ayon sa BI-Interpol unit, si Momodu ay convicted sa Virginia sa kasong aggravated sexual assault due to incapacitation kung saan ang biktima ay 21-anyos na babae.

Sinabi ni Tansingco na ang tatlo ay inilagay na rin sa immigration blacklist.

Alinsunod sa immigration act, ang mga dayuhang convicted sa mga krimen na may kaugnayan sa moral turpitude ay otomatikong hindi pinapasok sa bansa.

“As gatekeepers of the country, immigration officers are chiefly responsible for seeing to it that unwanted aliens are immediately turned away upon arriving in any of our international ports of entry,” diin ni Tansingco.

AUTHOR PROFILE