Lacuna1

Paglikha ng heat index plan utos ng Manila mayor

April 11, 2024 Edd Reyes 71 views

INIUTOS ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang paglikha ng Heat Index Action Plan Matrix para makatulong sa mga tao ngayong summer.

Bunsod ang direktiba ng alkalde sa City Health Office, Social Welfare Services at Disaster Risk Reduction and Management Office ng tumitindi pang init dulot ng El Niño.

“Bilang ina ng Lungsod ng Maynila, dama ko po ang paghihirap ng mga kapwa ko Manileño na dulot ng labis na init ng panahon,” pahayag ng alkalde.

“Suspension of classes and work are just a part of the preventive measures we will have ready. The Heat Index Action Plan Matrix I would like submitted to me for approval should be reasonably comprehensive. It would be best that it be ready for my signature as an executive order as soon as possible,” sabi pa ni Mayor Lacuna.

Kailangan din aniya ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Maynila, mga volunteer fire brigades, mga barangay tanod, lalu na ng barangay health centers na paigtingin pa ang paghahanda para na rin sa mga mahihinang sektor tulad ng matatanda, buntis, PWDs at iba pang mga indibiduwal na may karamdaman.

Nais ding alamin ng alkalde ang mga ginagawang hakbang ng BFP upang makatulong sila na mapabuti ang paraan ng pag-iwas sa sunog lalo na’t tumaas ang bilang ng mga nagaganap na malalaking sunog sa lungsod sa unang bahagi pa lang ng 2024.

AUTHOR PROFILE