Default Thumbnail

2 subway train sa NY nagsalpukan, 24 sugatan

January 5, 2024 People's Tonight 460 views

NAGSALPUKAN umano ang dalawang subway trains sa New York City, nitong Enero 4, na nagresulta sa hindi bababa sa 24 na nasugatan.

Base sa ulat, ang banggaan ng dalawang tren ay nangyari sa Upper West Side malapit sa 96th Street station sa Manhattan.

Agad na rumesponde ang mga pulis at bumbero upang magbigay ng tulong at tulungan ang mga apektadong pasahero.

Walang ulat ng nasawi kaugnay ng pangyayaring ito.

AUTHOR PROFILE