Default Thumbnail

Babae patay dahil uminom ng 4 bote ng tubig sa loob ng 20 minuto

August 8, 2023 People's Tonight 3010 views

ISANG 35-anyos na babae mula sa Indiana, U.S. ang namatay umano dahilnuminom siya ng apat na bote na katumbas ng 1.8 litro ng tubig sa loob ng 20 minuto.

Ang babae ay uminom ng maraming tubig bago bumalik mula sa isang outing sa selebrasyon ng Fourth of July kasama ang kanyang dalawang anak na babae. Nagreklamo umano siya ng sakit ng ulo at uhaw, marahil dahil sa mainit na panahon.

Matapos bumalik sa kanilang tahanan, siya’y biglang naupo at nawalan ng malay bago sinubukan ng kanyang asawa na bigyan siya ng CPR. Gayunpaman wala rin itong nagawa, at ang babae ay dinala sa ospital.

“They had to put her on the ventilator,” sabi umano ng isang kaanak.

“By that time, her brain had swelled enough that it shut all circulation off to her brain, and she was brain dead,” pahayag pa nila.

Ang pag-inom ng maraming tubig sa 20 minuto na dapat ay sa loob ng isang araw ay nagdulot sa babae ng water toxicity — isang kondisyon kung saan ang sobrang tubig sa dugo ay nagdudulot ng mapanganib na di-balanseng antas ng sodium, at sa gayon ay nagiging sanhi ng paglaganap ng mga likido mula sa labas patungo sa loob ng mga selula ng dugo, kaya’t sila’y nagsisimulang magdulot ng pamamaga.

Bagamat marami ang nagsasabing maaari kang uminom ng maraming tubig, may mga limitasyon na dapat sundin upang maiwasan ang pinsala sa iyong katawan.

Ayon sa mga pag-aaral, kayang alisin ng kidneys ang 20 hanggang 28 litro ng tubig sa isang araw, ngunit hindi hihigit sa 0.8 hanggang 1.0 litro kada oras.

Bagamat wala namang partikular na mga gabay kung gaano karaming tubig ang dapat inumin ng isang tao sa isang araw, marami ang pumipili na sundin ang 8×8 na tuntunin, na nagrerekomenda na uminom ng walong-onsang baso ng tubig ng walong beses sa buong araw.

Isa pang rekomendasyon ay sumunod sa iyong kinakain na calorie, kung saan maaari kang uminom ng isang millilitro para sa bawat calorie na iyong kinakain. Ang iba ay maaaring pumili na makinig sa kanilang katawan at uminom ayon sa kailangan, ngunit palaging dapat ay may moderation. Tonight media monitoring

AUTHOR PROFILE