2 preso sa Maynila, Pasay kalaboso pa rin sa bagong kaso

April 5, 2022 Jonjon Reyes 67 views

ISANG babae na wanted sa kasong paglabag sa qualified theft at isang 34-anyos naman ang kasunod na hinainan ng warrant of arrest dahil sa kasong attempted homicide sa magkahiwalay na kulungan sa Manila City Jail at sa Pasay City Jail, nitong Abril 4, 2022.

Unang inihain ang arrest warrant kay Kacelyn Castillo, 30, dalaga, at residente ng Mulawin St., Acacia Pinagbuhatan, Pasig.

Ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Barbosa Police Station 14, bandang alas-10:00 ng umaga nitong Lunes bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Marianthe Pacita Zuraek ng Regional Trial Court (RTC) Branch 51 ng Manila na may petsang Mayo 31, 2018 na inihain kay Castillo.

Si Castillo ay inakusahan sa kasong “qualified theft” na may piyansang P30,000 sa kanyang pansamantalang paglaya.

Kasunod nito, nagtungo naman ang grupo ng MPD-Station 14 sa Pasay City Jail upang ihain ang warrant of arrest sa suspek na nakilalang si Ryan Abcede, jobless, ng M Dela Cruz St., Pasay City.

Bandang 4:00 ng hapon na inihain sa suspek ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Violeta Peraña ng RTC Br. 44, Pasay City.

Walang inilaang piyansa kay Abcede at kapwa nasa most wanted persons list ang dalawang nakakulong na suspek. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE