10 kabahayan sa Tondo natupok

April 5, 2022 Jonjon Reyes 441 views

AABOT sa mahigit na 20 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang sumiklab ang isang sunog kahapon sa Gagalangin, Tondo sa Maynila, Martes ng umaga.

Tinatayang nasa sampung kabahayan ang tinupok ng apoy sa dalawang palapag na residential house sa Callejon St., Gagalangin, Tondo.

Batay sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection (BFP) bandang 6:44 ng umaga nang magsimula ang sunog sa kabila ng ulan at umabot sa unang alarma at tuluyang naideklarang “fire out” ng dakong alas-7:57 ng umaga.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa sunog.

Gayunman sa naging estimate ng BFP, nasa P500,000 ang tinatayang halaga ng mga napinsalang ari-arian.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Arson Division kung ano ang dahilan ng sunog na maaaring faulty wiring ang isa sa binubusisi. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE