Sumpak GAMBLING FOLK–Iniharap ni P/Lt. Col. Ness Vargas ang dalawang suspek matapos matimbog habang nagsusugal at may dalang sumpak ang isang suspek. Kuha ni Jon Jon Reyes

2 huli sa suga, sumpak sa Parola

April 6, 2024 Jonjon Reyes 126 views

NAHULI ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) Delpan police station 12 ang dalawang lalaki habang nagsusugal at pagdadala ng sumpak ng isa sa Parola compound, Brgy. 20, Tondo, Maynila noong Biyernes.

Nakilala ang may dalang sumpak na si alyas Mark at ang kasamang nagsusugal na si alyas Jay.

Hinahanap pa ang dalawa pang nakatakas na kasama ng dalawa.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Ness Vargas, hepe ng Delpan Police Station 12, bandang alas-2:30 ng madaling araw naispatan ang mga nagsusugal.

AUTHOR PROFILE