Artes

Maynila host ng MMFF Sine-Singkwenta ’24

April 6, 2024 Edd Reyes 76 views

MAYNILA ang host ng “Sine-Singkwenta,” ang 50th edition ng Manila Film Festival (MMFF) sa Disyembre, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at MMFF Acting Chairman Atty. Don Artes.

Napili ng Executive Committee (EXECOM) ang Maynila na host ng 2024 MMFF dahil sa Maynila unang napanood ang mga unang lumahok na mga pelikula.

Nagpasalamat si Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan sa pagkakapili sa Maynila na host ng event.

“Manila is 110% in support of the Metro Manila Film Festival and the city is excited to host the 50th edition of MMFF,” pahayag ni Lacuna.

Tulad ng dati, isasagawang muli ng MMFF ang Student Short Film Caravan upang bigyang ng pagkakataon ang mga estudyanteng ipamalas ang kanilang talento sa paggawa ng pelikula.

“Since the pandemic, we are excited to bring back the MMFF Student Film Festival,” ayon kay Chairman Artes.

Inilabas na rin ng MMDA ang ang petsa ng mga kaganapan para sa 2024 MMFF: deadline sa pagsusumite ng letter of intent sa Mayo 15; pagsusumite ng scripts at iba pang dokumento sa Hunyo 14; pagsusumite ng natapos ng script sa Setyembre 30; parada ng mga bituin sa Disyembre 15; opisyal na pagpapalabas ng mga kalahok na pelikula sa Disyembre 25, 2024 hanggang Enero 7, 2025 at ang gabi ng parangal sa Disyembre 27.

Ayon pa kay Artes, “Sine-Singkwenta” ang theme ng MMFF this year kaya ipapalabas sa mga piling sinehan ang mga lumang pelikulang kalahok sa MMFF at mapapanood sa P50 na bayad.

AUTHOR PROFILE