Posas

Bebot tiklo sa shabu, foil, yosi

April 6, 2024 Edd Reyes 87 views

PARANG Hollywood scene ang pagkakatiklo sa babae sa Caloocan City noong Biyernes ng mabuking na may 60 sticks ng yosi, anim na sachet ng shabu at 2 aluminum foil sa kanyang “kuweba” na ipupuslit para sa jowa na himas rehas.

Tameme sa bebot na jail officer si alyas Jeryl dahil hindi niya naipuslit para sa kinakasamang si alyas Samya na nakakulong sa Caloocan City Jail ng matimbog siya dakong alas-3:30 ng hapon.

Napuna ni JO1 Eme Rose Bautista ang “duck walk” niya dahilan para kapkapan ng todo at nabuking ang mag epektos na dala niya.

Napagalaman sa report ni J/Supt. Jerome Verbo, warden ng Caloocan City Jail, na nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition si Samya.

Nakatakda namang sampahan ng kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act ang ginang

Ipinasusuri rin ni Supt. Verbo kung may kapabayaan ang ilang mga jail officers na nakatalaga sa pagpapapasok ng mga dalaw upang masampahan din sila ng karapatang parusa kapag kinakitaan ng matibay na ebidensiya.

AUTHOR PROFILE