Default Thumbnail

2 babae laglag sa illegal recruitment

April 6, 2024 Jonjon Reyes 65 views

INARESTO ng National Bureau of Investigation -International Airport Investigation Division (NBI-IAID) ang dalawang lalaki na sangkot sa illegal recruitment.

Kinilala ang mga naaresto na sina alyas May Paderes at Catherine Mata.

Kasama ang dalawa na napigilan sa Ninoy Aquino International Airport terminal 1 ng anim pang papunta Hong Kong na pinaniniwalaang mga biktima ng illegal recruitment.

Itinurn-over ang walo sa NBI-IAID para sa imbestigasyon kung paano sila muntik bumagsak sa kamay ni Paderes sa pamamagitan ng Worldstar International Manpower Services Corp.

Napag-alaman na nagbayad ang mga biktima ng recruitment process.

Sa beripikasyon na ginawa kasama ng Department of Migrant Workers (DMW)-Licensing and Regulation Bureau, lumitaw na hindi otorisado at lisensyado ng DMW ang mga suspek para mag-recruit ng mga manggagawa.

AUTHOR PROFILE