posas

Lalaki huli sa shabu sa condo

April 5, 2024 Jonjon Reyes 89 views

NAHULI ang isang lalaki ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa P300,000 halaga ng shabu sa buy bust sa isang condo sa Makati City,

Nakumpiska ng mga operatiba ng NBI ang droga mula sa suspek na si alyas Rock na naaresto sa Bel Air, Makati City.

Nahuli siya ng magsagawa ang mga operatiba ng NBI-Organized and Transnational Crimes Division (OTCD) ng buy bust sa kanyang condo unit sa Bel Air, Makati City.

Nahaharap ang suspek sa kasong Violation of Article II, Section 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

AUTHOR PROFILE