Color

2 huli sa color game

March 7, 2024 Steve A. Gosuico 112 views

TALUGTUG, Nueva Ecija–Sinalakay ng mga pulis ang isang “peryaan” sa bayang ito at nasakote ang dalawang lalaki dahil sa pagtaya sa color game noong Miyerkules.

Arestado ang umano’y operator ng color game na kinilalang isang 68-anyos na residente ng Bgy. Calisitan dito at ang kanyang 46-anyos na alalay na taga-Bgy. Buliran, San Miguel, Bulacan.

Sinabi ni Nueva Ecija provincial police information head Captain Franklin Sindac na isinagawa ang raid dahil sa impormasyon ng concerned citizen tungkol sa ilegal na operasyon ng color game sa peryahan sa Brgy. Tandoc dakong alas-9:00 ng gabi.

Sa isinagawang raid, nakatakbo at nakatakas ang mga mananaya nang makita ang paparating na mga operatiba ng kapulisan sa lugar.

Nasamsam ang isang set ng color game equipment at perang taya na nagkakahalaga ng P696.

Dinala ang mga naarestong suspek sa himpilan ng pulisya para sa imbestigasyon at dokumentasyon para sa pagsasampa ng mga kaso ng ilegal na sugal laban sa provincial prosecutor.

AUTHOR PROFILE