Rizal

H.A.P.P.I sa Brgy inilunsad sa Rizal

March 7, 2024 Jojo C. Magsombol 149 views

KAMPO MAJOR HENERAL LICERIO I. GERONIMO, Taytay, Rizal–Pinangunahan ni PCol. Felipe Maraggun, Director ng Rizal Provincial Police Office (PPO) ang paglulunsad ng “Home Affection thru Police and Pastor Intervention (H.A.P.P.I) sa Barangay” katuwang sina PLt. Col. Rodolfo Santiago II, Acting Chief of Police ng San Mateo noong Marso 6.

Layunin ng programa na magbigay ng karagdagang kaalaman at kapasidad ng barangay sa pagpapatupad ng batas tulad ng RA 9262 (VAW-C Law) at RA 9710 (Magna Carta of Women) sa tulong ng Values Life Coaches na pinangunguhan ni Pastor Godoy.

Dumalo din si Mary Grace Diaz, ang konsehal ng San Mateo at Chairman ng Committee on Women and Family Relations.

AUTHOR PROFILE