Posas

2 bebot nalambat sa estafa, illegal recruitment

March 10, 2024 Jonjon Reyes 90 views

INARESTO ng mga operatiba ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14 ang 32-anyos na preso dahil sa estafa sa loob ng kulungan sa Camiling, Tarlac noong Sabado.

Ayon kay Police Captain Fredwin Sernio, hepe ng Warrant Section at Palanca police community precinct, bandang alas-2:00 ng hapon nang matimbog ang isang babae sa nasabing lalawigan matapos isilbi ang arrest warrant laban dito.

Kinilala ang inaresto na si alyas Jocelyn, 37.

Samantala, isang illegal recruitment suspek ang natiklo ng mga operatiba ng MPD Sta. Ana police station dahil sa large scale illegal recruitment sa Tenorio St., San Andres Bukid, Manila noong Sabado.

Bandang alas-5:30 ng hapon nang mabingwit ang suspek na nakilalang si alyas Jane Ivy ng San Andres Bukid.

AUTHOR PROFILE