Crime

Binoga sa mukha, dedo

March 10, 2024 Melnie Ragasa-limena 74 views

UTAS ang isang lalaki matapos barilin sa mukha ng hindi nakikilalang gunman sa Quezon City noong Linggo.

Wasak ang mukha ng biktima na si Jossel Gomez Ramota, 35, residente ng Brgy. Tandang Sora, Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-12:10 ng madaling araw ng matagpuan ang duguang katawan ng biktima sa Alcantara St., Brgy. Tandang Sora.

Batay sa imbestigasyon ni PSSg Angel T Pascasio III, nakita na lamang ng kapatid na si Jason na duguan na sa semento ang biktima sa nasabing lugar.

Kasama ang live-in partner ni Jossel na si Catherine, isinugod pa nila sa Quezon City General Hospital ang biktima pero idineklarang dead-on-arrival dakong alas-12:30 ng madaling araw ni Dr. John Frederick Palima

Nasamsam sa pinangyarihan ng krimen ang isang basyo ng hindi pa alam na kalibre ng baril.