Sunog Inaapula ng mga bumbero ang sunog na sumiklab sa Isla Puting Bato, Tondo na tumagal ng 9 na oras. Kuha ni Jon Jon Reyes

1K na pamilya sa Tondo homeless sa 9 oras na sunog

April 11, 2024 Jonjon Reyes 81 views

HALOS siyam na oras tumagal ang sunog sa mga kabahayan sa Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila noong Miyerkules na umabo sa barung-barong ng mahigit 1,000 pamilya.

Sa ulat ng Bureau of Fire protection (BFP), nagsimula ang sunog alas-3:55 ng hapon na umabot sa Task Force Alpha.

Pasado ala-1:00 na ng madaling araw ng Huwebes nang ideklarang fire out ang sunog na tumupok sa may 300 bahay.

Ayon sa ilang residente, nagsimula ang apoy sa isang bahay sa Purok 3 at kumalat na sa Purok 5 na sakop ng Brgy. 20, Isla Puting Bato.

Nagluluto umano ang isang residente ng tumagas ang gas sa kusinilya kaya mabilis na nagliyab hanggang hindi na nakontrol at mabilis na lumaki ang sunog.

Tatlo naman ang iniulat na nasugatan sa sunog na ginamot ng mga medical rescue team.

Gawa sa light materials ang mga bahay kaya mabilis nagliyab ang sunog na pinalala ng malakas na hangin bukod pa sa hirap ang mga bumbero dahil masikip at wala ng malusutan ang kanilang fire hose.

Tinatayang aabot sa P1 milyon ang estimated damage sa sunog.

AUTHOR PROFILE