Default Thumbnail

Mga tambay ‘nagbayanihan’, nangholdap sa driver kinuyog

April 11, 2024 Edd Reyes 93 views

BUGBOG sarado ang inabot ng 27-anyos na binata na tinangkang holdapin ang driver ng sinakyang taxi noong Miyerkules sa Pasay City.

Natigil lang ang panggugulpi ng galit na galit na kalalakihan sa suspek na si alyas Rafael ng magresponde ang mga tauhan ni Pasay police chief P/Col. Mario Mayames na nakatalaga sa Police Sub-Station 1.

Sakay ng taxi ni Robert Lee, 57, ang suspek na nagpapahatid sa Leveriza St. dakong alas-2:30 ng madaling araw ng magdeklara ng holdap pagsapit sa kanto ng William at Robert Sts., Brgy. 13.

Pumalag ang biktima nang puwersahang kunin ang kanyang cellular phone at P1,500 na kinita.

Nakatawag pansin sa mga tambay na kalalakihan ang driver kaya nahuli ang suspek na puwersang bumaba at nagtatakbo pero nakorner agad ng mga humabol na kalalakihan at halinhinang pinagbubugbog.

Nabawi nina P/CMS Conrado Morales at P/SSg Joe Mark Galicia ang patalim na ginamit ng suspek sa panghoholdap.

AUTHOR PROFILE