Default Thumbnail

12 lalaki, 15-anyos, tiklo sa “illegal logging” sa Cabanatuan

November 29, 2023 Steve A. Gosuico 176 views

CABANATUAN CITY – Labing-dalawang lalaki, kabilang ang isang 15-anyos, ang dinampot ng mga awtoridad dahil sa reklamo ng isang barangay chairman na nag-aakusa sa kanila ng pagkarga ng mga ‘iligal na kahoy” o undocumented sawn lumber sa isang trak dito noong Martes ng gabi.

Nasakote ang 12 suspek, kabilang ang 41-anyos na driver at 26-anyos na konduktor, residente ng Bgy. Tandang Sora, Quezon City, at Bgy. Sta. Rosa Norte, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Ang 10 pang suspek na may edad mula 39, 32, 28, 27, 23, 20, 19, at 18 kung saan ang pinakabata ay kinse anyos, ay mga residente ng Bgy. Sto.Niño 1st, San Jose City.

Sinabi ni Nueva Ecija police provincial information chief Captain Franklin D. Sindac na na-huli sila sa reklamong inihain ni Barangay Captain Fernando Razon, 58, ng Purok 1, Bgy. San Juan ACCFA, ng lungsod na ito.

Nireklamo sila ni Razon matapos mahuli umano sila sa akto habang nagkakarga umano sa isang Mitsubishi Truck ng undocumented sawn trees habang nakaparada sa isang pampublikong sementeryo dito alas-10 ng gabi.

Isang asuntong kriminal para sa paglabag sa Presidential Decree 705 (Revised Forestry Code of the Philippines) ang inihanda para sa inquest-filing sa Cabanatuan City Prosecutor’s Office.

AUTHOR PROFILE