Default Thumbnail

10-anyos minanyak, suspek timbog

April 5, 2022 Edd Reyes 433 views

NANGINGINIG pa sa takot ang 10-taong anyos na biktimang itinago sa alyas “Delia” nang magsumbong sa kanyang ina hinggil sa ginawang kahalayan sa kanya ng suspek na si Raymond Silvestre na naganap dakong alas-9 ng gabi sa eskinita ng Piscador St. Brgy. Bangkulasi.

Kaagad namang kumilos ang mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 3 nang humingi ng tulong sa kanila ang ina ng batang biktima na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Annloren Binalla ng Navotas Police Women and Children Protection Desk (WCPD), naglalakad ang batang biktima sa maliit na eskinita ng Piscador St. nang biglang dakmain at pisilin ng suspek, na noon ay nakatayo sa naturang lugar, ang maselang parte ng katawan ng bata.

Sinaklot ng labis na sindak ang bata na noon din ay nagtatakbo pauwi at isinumbong sa kanyang ina ang ginawa ng suspek.

Matapos ang imbestigasyon, iprinisinta ng mga tauhan ng WCPD sa piskalya ng Navotas ang suspek para isailalim sa inquest proceeding kaugnay sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to R.A. 7610 o Child Abuse.

AUTHOR PROFILE