cza

Zsa Zsa at mga anak ni Dolphy, nagsosyo sa Pedal ni Pidol

July 26, 2021 Vinia Vivar 121 views

dolphyHanga kami kay Zsa Zsa Padilla na kahit maligaya na siya sa piling ng kanyang partner na si Conrad Onglao ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang yumaong dating karelasyon na si King of Comedy Dolphy.

Sa kaarawan ni Mang Pidol last Sunday (July 25), kahit bumabagyo ay dumalaw si Zsa Zsa sa puntod nito sa Heritage Memorial Park at may dalang bulaklak.

Ipinost ng Divine Diva sa kanyang Instagram ang pagpunta niya sa libingan at nagbigay ng napakagandang mensahe sa caption.

Sa kanyang caption ay inalala ni Zsa Zsa na noong nabubuhay pa si Tito Dolphy ay parating umuulan sa kaarawan nito.

“Happy birthday! I just remembered how it would normally rain during your parties. You seldom had a sunny birthday but needless to say, you brought sunshine in our lives!” ani Zsa Zsa.

“This morning, your son Ronnie sent me a tribute video of you with the song, Handog made by one of your fans. You most especially loved the lyric — ‘Tatanda at lilipas din ako… nguni’t mayrong awiting/kasiyahang/tawanang iiwanan sa inyong alaala.’ It was important for you to leave your fans and loved ones with your amazing body of work.

“And yes, when we do miss you, all it takes is to press play to hear your songs, watch your movies and old footage of John and Marsha. We will always remember you fondly,” patuloy ng singer.

Nakakatuwa rin na “lovey” pa rin ang tawag niya sa yumaong partner.

“You will always be in my heart, Lovey. Thank you. Happy birthday,” ang dulo ng mensahe ni Zsa Zsa.

Bukod dito ay ipinost din ni Zsa Zsa ang paglo-launch nila ng Pedal ni Pidol food cart in celebration of Dolphy’s birthday.

Kasama niya sa nasabing negosyo ang mga anak ng yumaong Comedy King.

“Happy birthday Pidol! At dahil birthday mo, handog namin ang food cart para sayo, and Pedal ni Pidol in partnership with MDM Ventures Corp,” caption ni Zsa Zsa.

AUTHOR PROFILE