Tonihipon

Pagsahod sa YT, dapat itinuro ni Toni kay ‘Hipon Girl’

July 26, 2021 People's Tonight 119 views

TINURUAN na rin sana ni Toni Gonzaga kung paano makasuweldo si Hipon Girl o Harlene Budol na na-interview ng una sa kanyang vlog.

Ayon kay Harlene, naging kampante siya noong wala pang pandemic. Pero nawalan siya ng kita at trabaho kaya aminado siyang naghihirap, walang pantustos sa pamilya at pambili ng vitamins ng lolo at lola.

Nabanggit niyang mahigt isang milyong na ang subscribers niya sa YouTube pero hindi niya alam kung paano makasahod ng pera.

Itinuro na rin sana ni Toni kay Harlene kung paano magkakadatung sa YT channel niya nang sa gayon ay mabawasan ang paghihirap sa buhay, huh!

EMOSYONAL

EMOSYONAL si Congressman Alfred Vargas sa virtual graduation niya kamakailan para sa Master’s Degree niya mula sa University of the Philippines (UP) National College of Public Administration and Governance (NCPAG).

Ang pagkuha ng graduate studies ay pangako ni Cong. Alfred sa kanyang ina bago ito pumanaw.

Lawyer ang ina ni Cong. Vargas pero inagaw ang actor-producer-congressman ng showbiz kaya hindi niya natupad ang gusto ng inang abogada., si Atty. Susana Vargas.

“This is a promise fulfilled to my mom,” saad ni Cong. Alfred sa isang interview. “May master’s degree na ako and this is a big deal for me kasi hindi madali,” dagdag niya.

Plano pa ni Cong. Afred na magkaroon ng doctorate degree sa urban planning matapos ang eleksyon.

Kahit nag-aaral, naisingit pa niya ang pagmamahal sa showbiz dahil sa special participation niya sa Kapuso series na Legal Wives na nagsimula na kahapon. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE