Ynez Veneracion Ynez Veneracion

Ynez nagsilang ng baby pero ayaw pang pakasal

August 1, 2021 Aster Amoyo 1657 views

NAKAPAGSILANG na sa kanyang ikalawang anak, her first sa kanyang present partner, ang young businessman na si Bryan Recto (27) ang dating sexy star na si Ynez Veneracion.

Ynez who is Sheryl del Rosario in real life gave birth to a beautiful baby girl named Jianna Kyler del Rosario Recto last July 30, 2021 ng 10 a.m. via Caesarian section at St. Luke’s Medical Center – Global City.

Ynez’ first child na si Princess Keilah Mangudadato (10) na anak niya sa isang politician from the South na si Rep. Esmael Mangudadatu ay very close sa kanyang ex-boyfriend, ang character actor and businessman na si Mon Confiado. Katunayan, na kay Mon si Keilah habang nasa hospital ang actress for the delivery of her second daughter.

Matagal na panahon ang naging relasyon nina Ynez at Mon na kahit nagkahiwalay nung 2010 ay nanatiling magkaibigan. Growing up, si Mon ang naging father figure ni Keilah na madalas sinusundo ng actor sa bahay ng aktres. Masaya rin si Mon for Ynez na muli itong nakatagpo ng bagong partner.

Ang pagdating ni Baby Jianna sa buhay ni Ynez ay nagsilbing pre-birthday gift niya mula sa Itaas. The actress turns 41 on August 16.

Samantala, bago pa man isinilang ni Ynez si Baby Jianna Kyler ay nag-alok na ng kasal ang kanyang nobyong si Bryan who is 13 years her junior. Pero mas gusto muna ng aktres na mas kilalanin pa nila ang isa’t isa ngayong may anak na sila.

“Maybe in three to five years na kami pa rin, mas sigurado na kami sa isa’t isa at ready na akong magpakasal by then,” ani Ynez.

“For now, mas gusto ko muna na i-enjoy namin ang isa’t isa with our baby. Hindi rin puwedeng mawala sa equation ang eldest daughter kong si Keilah,” dugtong pa ng aktres.

Kahapon, araw ng Linggo ay nakalabas na ng hospital ang mag-inang Ynez at Baby Jianna Kyler.

Misis ni Noli Boy namaalam na

TULUYAN nang namaalam ang misis ng dating Vice-President at veteran journalist, radio and TV anchor na si Noli de Castro, ang dating TV executive at TV producer na si Arlene Sinsuat-De castro last Saturday, July 31, 2021 due to cardiac arrest at age 66.

Si Arlene ay ina ng dating Kapamilya field reporter and former Dept. of Tourism Undersecretary at kasalukuyang general manager at board member ng state-owned People’s Television Network (PTN) na si Katherine `Kat’ Sinsuat de Castro na siyang nagbalita sa pagpanaw ng kanyang ina.

Si Arlene ay nagsimula sa kanyang career bilang isang media person in 1981 sa Maharlika Broadcasting System (MBS). Pagkatapos ng Martial Law in 1986, siya’y lumipat sa bagong re-opened na ABS-CBN where she started as production coordinator ng special events ng Kapamilya network hanggang mapunta siya sa pagiging executive producer ng maraming top-rating and awar-winning public affairs programs tulad ng “Pep Talk” ng journalist-turned politician na si Loren Legarda, ang “Good Morning Philippines” hosted by Ronnie Henares’ ex-wife na si Merce Henares, “Magandang Umaga Po” nina Kabayan Noli de Castro at Korina Sanchez at iba pa. Then it was in the 1990’s when she was promoted as Vice President ng Current Affairs ng ABS-CBN. Siya ang nasa likod ng flagship program ng Kapamilya Network, ang “TV Patrol” sa maraming taon maging sa programang “Magandang Gabi Bayan” (MGB) ni Kabayan Noli, “Assignment” ni Teddy Locsin, now Secretary of the Dept. of Foreign Affairs, “Pipol” ng veteran journalist at dating TV anchor na si Ces Drilon, “Dong Puno Live” at iba pa. Siya rin ang namuno ng Special Reports Group ng ABS-CBN na siyang naging daan ng pagkakabuo ng “TV Patrol” with Kabayan Noli de Castro as the main anchor.

Kahit sa kanyang pagkawala sa bakuran ng ABS-CBN ay nagpatuloy si Arlene sa pagpu-produce ng iba’t ibang public affairs program (for ABS-CBN) at kasama na rito ang long-running entrepreneurial and informative show na “Kabuhayang Swak na Swak” under her own Bayan Productions.

Alice ini-enjoy ang pagiging ina

FORMER beauty queen-turned actress and celebrity endorser Alice Dixson considers her surrogate baby daughter Aura her advance birthday gift from God. The actress turned 52 last July 28.

It was last April 2021 nang unang masilayan ni Alice ang kanyang baby na isinilang through surrogacy sa Amerika at nung unang linggo ng May naman niya naiuwi ng Pilipinas ang baby.

At 52, ngayon lamang nararanasan ng aktres ang papel bilang isang ina na hindi niya naranasan noon sa kanyang first marriage sa kanyang Canada-based ex-husband na si Ronnie Miranda.

Although hindi pa ito kinumupirma ni Alice, she is again married to her new (American?) businessman partner who owns a resort in Boracay na may initials na GS. The said guy ay nakasama noon si Alice sa 2018 grand ball ng ABS-CBN kaya marami na rin ang nakakita at nakakilala sa kanya.

Si Alice ay napapanood ngayon sa bagong simulang family-drama series ng GMA, ang “Legal Wives” kung saan din tampok sina Dennis Trillo, Andrea Torres at Bianca Umali.

Hidilyn binigyan ng lifetime supply ng La Paz batchoy

 

Hidilyn Diaz

WEIGHTLIFTING coach and boyfriend of first Filipino Olympics gold medalist Hidilyn Diaz na si Julius Irvin Naranjo must also be in cloud 9 dahil sa outpouring support na nakukuha na instant superstar status ng kanyang kasintahan mula sa sambayanang Pilipino, sa national and local governments, sa business at iba’t ibang pribadong sector magmula nang mapanalunan nito ang kauna-unahang gold medal mula sa Summer Olympics held in Tokyo, Japan last July 26, 2021. Ang dalawa ay nagkakilala sa isang Martial Arts Games in Ashgabat Turkmenistan nung 2017.

Kasunod na kaya rito ang proposal ng kanyang nobyo?

In one of her past interviews, inamin ni Hidilyn na handang-handa na umano siyang pasukin ang pagkakaroon ng sarili niyang pamilya. After all, she’s already 30 at nasa tamang edad to start a family.

Samantala, tuluy-tuloy ang pagtanggap ni Hidilyn ng iba’t ibang karagdagang parangal, cash incentives and the likes mula sa iba’t ibang sector.

Liban sa cash incentives, house and lot, condominium unit, lifetime unlimited flights courtesy of Philippine Air Lines and Air Asia, binigyan din ito ng P1-M worth of beauty treatments sa Toledo Med ng Toledo Medical Companies, Inc. Patatayuan din umano ito ng sarili niyang statue sa kanyang hometown sa Zamboanga. Pero ang nakakaaliw sa lahat ay ang pag-alok sa kanya ng Mayor ng Iloilo City na si Jerry Trinas ng lifetime La Paz Batchoy at Pancit Molo (kung saan kilala ang siyudad) kapag ito’y magagawi sa kanilang lugar para dumalo sa taunang Dinagyang Festival every 4th Sunday of January (except this pandemic) upang ipakita ang hospitality ng mga Ilongo at kung gaano sila ka-proud sa tagumpay na nakuha ni Hidilyn para sa Pilipinas. May nag-alok din ng lifetime free accommodation for the Olympics gold medalist and her team whenever they are in Iloilo maging ang Pueblo de Alicia Restaurant in Jaro, Iloilo.

Sa ngayon, nasa-weeklong quarantine pa si Hidilyn and her HD team.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE