Xyriel

Xyriel, bet kalaplapan si Andrea

January 10, 2024 Vinia Vivar 165 views

Hindi pa nagkakaroon ng kissing scene onscreen si Xyriel Manabat pero alam niya na hindi din niya ito maiiwasan sooner or later at napag-uusapan na nga nila ito.

Pero would you believe na sa kapwa-babae pala gusto ni Xyriel magkaroon ng first kissing scene?

Sinabi ito ng young actress sa farewell mediacon ng hit ABS-CBN series na Senior High last Tuesday.

“Feeling ko kung mag-o-oncam ako or onscreen na first kissing scene, gusto ko talaga sa babae. Kasi feeling ko, mas kumportable ako ‘pag ganu’n,” aniya.

Paliwanag pa niya, “And feeling ko, walang ilangan, less issue, less hassle and experience siya, eh. So parang fulfilling po siya for an experience of an actress.”

Asked kung may naiisip ba siyang female star na gusto niyang maka-kissing scene, si Andrea Brillantes, na kasamahan din niya sa Senior High at best friend niya, ang kanyang sinabi.

Lagi raw niyang inaasar si Andrea na popormahan niya ito. Kinakantahan pa raw niya ang aktres at kinikilig naman ito sa kanya.

Natanong si Blythe sa kanyang reaksyon at sey niya okay naman sa kanya if ever na gagawa sila ng GL o Girl’s Love series.

“Pansin ko lang po kasi, there’s a lot of BL (Boy’s Love) series now, hindi pa po masyadong madami sa GL.

“So, if ever lang naman po, I would be comfortable it doing with my best friend (Xyriel). Kasi, magaling siyang aktres, eh. And madami kaming makukuha sa isa’t isa,” sey ni Blythe.

Anyway, last two weeks na lang ang Senior High at nagpapasalamat ang buong cast sa lahat ng sumusubaybay sa serye.

Bukod kina Andrea at Xyriel, kasama rin sa cast sina Kyle Echarri, JK Labajo, Zaijian Jaranilla, Elijah Canlas, Angel Aquino, Baron Geisler at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE