Dennis

JENNYLYN, PURING-PURI ANG PAGPUPUYAT NI DENNIS KAY DYLAN

January 10, 2024 Vinia Vivar 141 views

Puring-puri ni Jennylyn Mercado ang asawa niyang si Dennis Trillo bilang ama ng anak nilang si Baby Dylan.

“Very hands-on siya. Hindi ko rin in-expect na parang ka-level ko ‘yung pagka-hands-on niya,” kwento ni Jen sa mediacon ng Love. Die. Repeat.

“Kahit na kunyari, galing ng taping, 1 a.m. umuwi ng bahay, hindi na ‘yun matutulog kasi siya ‘yung night shift. Ever since, ganu’n kami,” tsika pa ng Kapuso Ultimate Star.

Si Dennis daw ang nagpupuyat para alagaan si Dylan.

“Talagang hindi siya matutulog. Aantayin niya akong magising. Tapos ako naman,” sey ng aktres.

Suportado rin ng kanyang mister ang kanyang pagbabalik sa serye at ito nga raw ang nagsisilbing parang life coach niya.

“Siya ‘yung nagsasabi na ‘kaya mo ‘yan, ganito lang ‘yung gagawin mo, enjoy ka lang, huwag mong isipin masyado,’” ani Jen.

Ngayong pareho na silang bumalik sa trabaho, they make sure na hindi sabay ang schedule nila para isa sa kanila ay maiiwan sa bata habang wala ang isa.

“Good thing, isa na rin ‘yung management namin kaya naaayos naman nang mabuti ‘yung schedule,” sey pa ng aktres.

Sina Jen and Den ay parehong nasa pangangalaga ng Aguila Entertainment.

Samantala, magsisimula na sa Jan. 15 ang Love. Die. Repeat. Ito ang unang tambalan nina Jen at Xian Lim at ito rin ang pagbabalik ng aktres sa pag-arte after almost three years.

AUTHOR PROFILE