MMDA

PIRATED COPIES NG 2023 MMFF ENTRIES, TINA-TARGET NG MMDA

January 10, 2024 Jun Nardo 145 views

UMABOT pala sa P75M ang kinita ng pelikulang Firefly sa pagtatapos ng 2023 Metro Manila Film Festival.

Imagine, ‘yung pelikulang walang masyadong box-office stars, nanalasa rin pala sa takilya lalo na nu’ng manalo ito bilang Best Picture.

Nakatakdang mapanood ang Firefly sa ibang bansa, pati na rin sa Amerika, upang mapanood ng ating mga kababayan ang pelikulang ang kuwento at pagkakagawa ang naging rason upang kumita sa takilya, huh!

Congratulations, GMA Pictures!

Samantala, tina-target ngayon ng MMDA ang pirated copies sa digital media ng ilan sa mga entry this festival.

Pinaghahandaan din ng ahensiya ng 50th year ng Metro Manila Film Festival sa 2025.

AUTHOR PROFILE