WFH

WFH mas epektibo kung malakas internet

March 4, 2022 People's Tonight 312 views

Isinusulong ng tambalang Lacson-Sotto na palakasin ang internet connection sa buong bansa upang magpatuloy ang telecommuting o work-from-home (WFH) na nakatulong sa maraming industriya at negosyo ngayong pandemya.

Pabor man sina Partido Reporma presidential candidate Panfilo ‘Ping’ Lacson at kanyang running mate na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III sa pagbabalik ng mga empleyado sa kani-kanilang opisina, ngayong nasa Alert Level 1 na ang Metro Manila, batid nila na may ilang mga kompanya na nais ipagpatuloy ang WFH setup.

“I-enhance natin ‘yung internet service. Paano tayo mag-wo-work-from-homekung laglag nang laglag ‘yung ating signal, hindi ba? Napaka-importante. Kaya ‘yan kasama sa programa namin talaga. Dapat mag-invest tayo sa ating DICT (Department of Information and Communications Technology), ‘yung national broadband network, ‘yung highway, para ma-activate na natin,” ani Lacson.

Dagdag ni Sotto, may ilang industriya na kinakailangan na talagang maging on-site habang mayroon namang trabaho na posibleng mag-WFH at pasok sa Telecommuting Act na inakda nina Senador Joel Villanueva at dating Makati Rep. Monsour del Rosario – na kasama sa kanilang mga senatorial candidate.

Ayon kina Lacson at Sotto, nabigo ang bansa na magkaroon ng mas malakas na internet noong panahon ng Arroyo administration dahil sa nangyaring kontrobersya sa National Broadband Network (NBN) deal.

“Tapos na sana ‘yan panahon ni dating Pangulong Arroyo. Kaya lang ‘yung ZTE, ‘di ba, ‘yung NBN–ZTE na issue, kung hindi sana nagkaloko-loko at hindi pinag-isipan ng masama, tapos na sana. Maganda na sana ‘yung ating internet servicengayon, at least government,” aniya.

Dahil dito, matagal nang isinulong ni Lacson ang pagbuhos ng pondo para sa information and communications technology (ICT). Gayunman, bigo aniya na maipatupad ito sa mga nakalipas na taon.

“Can you just imagine that? Mag-i-invest lang tayo ng P18-billion to P30-billion tapos na sana ‘yung national broadband highway. Ang problema hindi nga napondohan ng executive branch. We were insisting it’s about time na mag-invest na tayo sa DICT, sa internet service,” sabi ng presidential candidate.

Sabi pa ni Lacson, kung natuloy ang NBN ay kayang-kaya nating pantayan pagdating sa bilis ng internet ang South Korea, na dahil sa digitalization ay nakakapagtipid ang kanilang gobyerno ng aabot sa $25 bilyon o P1.25 trilyon kada taon.

“This was relayed to us by Senator Honasan when he accompanied thePresident (Rodrigo Duterte), being the presumptive secretary of DICT (at the time), and they went to South Korea,” ani Lacson.

AUTHOR PROFILE