Yap

ACT CIS, payag rebyuhin Oil Deregulation Law

March 3, 2022 People's Tonight 328 views

SANG-AYON ang ACT CIS na rebyuhin na ng kongreso ang Oil Deregulation Law matapos hingin ng Pangulong Duterte na pag-aralan muli ang nasabing batas matapos ang patuloy na pagsirit ng presyo ng petrolyo.

Ang Oil Deregulation Law, na ipinatupad noong panahon ni dating Pangulong Ramos, ay nagtatanggal sa kontrol ng gobyerno pagdating sa presyuhan ng petrolyo ng mga kumpanya ng langis.

Ayon kay ACT CIS Nominee Edvic Yap, “panahon na siguro na muling pag-aralan natin kung nakakatulong pa ba ang batas na ito sa tao o pabigat na sa kanila”.

“Dati-rati kasi pwede diktahan ng gobyerno ang mga oil companies na wag munang magtaas ng presyo para na rin sa kapakanan ng taongbayan,” ani Yap.

Dagdag pa niya, ngayon daw walang magawa ang gobyerno kapag sinabi ng mga kumpanya ng langis na magtataas sila ng presyo.

“Parang hindi maka-motorista ang batas na ito na kailangan na sigurong pag-aralan kung ibasura at palitan na,” ayon kay Yap.

AUTHOR PROFILE