Wilson Larawan mula sa IG/@wilsonmaggie

Wetpu na panalo

February 3, 2024 People's Tonight 118 views

HULING-HULI ang kiliti ng mga anak ni Adan sa ibinanderang wetpaks ng beauty queen at former actress na si Maggie Wilson.

Sa isang Instagram post nitong Biyernes, February 2, pasabog ang mga ibinahaging larawan ni Binibining Pilipinas World 2007.

Kahit na isa nang ganap na mama, sumirit ang walang kupas niyang alindog sa mga bago nitong bikini pictures.

Sey ni Maggie ay na-miss niya raw ang kanyang ‘bikini lifestyle’ kaya naman todo-awra siya sa suot na two-piece swimwear.

Patok na patok sa mga kelot ang tambok ng former actress na siyang nagpatulo-laway sa kanila na animo’y mga asong hayok na matikman ang kaseksihan at kariktan ni Maggie.

Hindi lang araw ang pinatirik ng beauty queen sa bagbabandera niya ng kanyang sex appeal, pati na ang mata ng mga barako na nagwala sa kanyang comment section. Agad nilang pinusuan at binaha ng fire emojis ang nasabing post.

“Killing it.”

“Beautiful and brave woman! You are killing it Miss M!”

“Wow – body goals for sure. Keep powering on! Resilient af.”

“My small booty is empowered.”

“Mukha palang panalo na! Hay!”

“No one and nothing can beat this Queen! On fire!”

AUTHOR PROFILE